Thursday, August 30, 2007

Paalam

kanina, umalis na ang isa kong kaklase--si pao. pupunta na siya sa US at doon na maninirahan. pero babalik naman daw siya muna dito sa Pilipinas para tapusin ang 4th year. (pero kahapon, sinabi niya na hindi na siya babalik, kaya hindi ako sigurado kung ano ang totoo)

kanina pa pagpasok ko, nakakita ako ng isang "pao"--may drawing na mukha na may nakasulat na "pao". nakapolo rin na kakulay ng uniform namin. may "pao's jug" na isang cardboard na pinaikot at kinulayan ng violet. at may handle rin. haha.

Tuesday, August 28, 2007

Nakakabaliw

kahapon pimunta ako sa Megamall kasama ang nanay ko at ang kapatid ko. habang namimili yung ate ko ng bag(kasi nga aalis na siya) umalis ako para magbanyo. nagtanong ako sa isang janitor, "kuya, saan po yung banyo."

at ang napakagaling niyang sagot, " sa restroom."

anong klase yun? kung sa inyo nangyari ito, anong gagawin niyo?

kanina naman, NCAE namin. ang simula noon ay 7:00. at dahil uliran at dakilang bata ako, dumating ako 7:45 o 7:50. 45-50 minutes late ako. 10 na kami nakauwi kahapon at mga 12 na ako nakatulog. umalis ako sa bahay 7:05- 7:10.-- oo nasa bahay pa ako nung nagsimula ung NCAE.

yun lang naman ang mga nakakabaliw na pangyayari kahapon at ngayon.

Friday, August 24, 2007

Pahabol

after quite some time nagkaayos na kami ng kapatid ko. nag-away kasi kami nung april pa. haha. nagbati na kami nung birthday ko pero ngayon lang talaga naging maayos. at naiiyak pa yung ate ko kasi na-miss daw nya ako. niyakap nya ako. after ilang months, naayos na. ayaw ko na i-detail. basta yun yung thought.

malapit na sya umalis, natanggap kasi sya sa isang trabaho. sa saturday na alis nya kaya mabuti nlng na naayos bago sya umalis.

to my sister: goodluck sa trabaho. matagal-tagal mo ring pinangarap yan. at ngayon nangyayari na ang mga bagay-bagay ayon sa gusto mo. see you kung kelan man tayo ulit magkikita.

(by the time na mapost ko tong entry na ito, malamang hindi pa alam ng ate ko ang tungkol sa blog na to. pero isasama ko na rin ung message dahil malalaman rin naman nya ang tungkol dito.)

Changing My Perspective

nung monday, nakabasa ako ng 2 libro, isa sa mga to ay ang the alchemist. wag nyong isipin na mahilig akong magbasa. wala lang talaga akong magawa kaya nagbasa nlng ako nuong araw.
"And, when you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it."-Melchizedek, The Alchemist by Paolo Coelho



isa to sa mga line na nabasa ko. at nagustuhan ko to kasi madalas kong maramdaman na parang gumagawa ng paraan ang mundo para hindi ako mag succeed sa kung anumang gusto kong marating. kaya nung nabasa ko to, tumatak agad sa utak ko. baka kaya laging may failure sa buhay natin kasi hindi pa tayo handa na makuha o marating un. baka paghahanda lang lahat ng failures para mas masarap ang pakiramdam kapag nakuha na natin ung gusto natin. balang araw, magtatagumpay rin tayo sa pag-abot ng ating mga mithiin. haha.


Tuesday, August 21, 2007

Walang Laman ang Pondo ng Pinoy

two weeks pa bago matapos ang August at 300 nalang ang pera ko. pano ko mabubuhay? hindi na ko makakakain. alam ko nagtipid ako nung first 2 weeks pero hindi ko alam kung saan napunta ung ipon ko. malas.
kanina, imbis na maglaro nang matagal ng counter strike kasama mga kaklase ko(halos every tuesday, since hanggang 1:00 lang ng tanghali ang pasok, maraming naglalaro ng cs after ng classes), umalis ako agad. 21 pesos nga lang nagastos ko--nagtitipid ako. haha. sumabay na lang ako sa isang kaklase na paalis na. tapos tinulungan ko na lang siya gumawa ng mga flags(kung yun man tawag dun), para ilaban sa isang contest bukas--isang contest na may kinalaman sa Buwan/Linggo ng Wika.
pero balik tayo as topic ng pera. haha.
bakit ngayon pa ako nawalan ng pera? NO PARENT WEEK pa naman sana. haha. hindi ko maeenjoy to dahil wala naman akong pera. sayang!! pero ganyan talaga ang buhay.

Sunday, August 19, 2007

Bagong Record

sa wakas natalo ko na ung record. sa mga hindi nakakaintindi, ang record na sinasabi ko ay kung gaano katagal mananatiling active ang isang online account sa akin. ang dating record ay 2 weeks. at dahil nagpost ako ngayon, ito na ang bagong record holder--2 weeks and one day na ang blog na ito. haha. one day lang ang lamang. pero wala pa naman akong balak na huminto sa pagpopost at paggamit ng blog na ito. sana nga tumagal na to. gusto ko rin magkaroon ng online account na magtatagal.

--------------------------------------------
isang pangyayaring nakapagtataka

kanina, habang pauwi ako galing sa mall, may isang bagay na nangyari. bigla akong nangiti. hindi naman masama ang ngumiti pero wala naman akong nakitang kung anuman na makapagpapangiti sa akin. naglalakad lang ako at bigla nalang akong ngumiti. ang masakit pa, hindi ko mapigilan. kahit anong gawin ko, ayaw mawala nung ngiti. nagmumukha na akong baliw-- dahil mag-isa lang ako habang naglalakad nang nakangiti.marami pa naman akong nakakasalubong na mga tao. at dahil hindi ko mapigilan, nakaisip ako ng isang ideya--isang paraan para hindi ako magmukhang sira ulo. nilabas ko yung cell phone ko para kunwari yun yung dahilan kung bakit ako nakangiti. haha, mautak!! sa kalagitnaan ng pag-uwi ko, may naisip na naman ako. at yun ay tumakbo pauwi. siguro hindi na nakita ng mga tao kung nakangiti man ako o hindi dahil tumatakbo na ako. nakabibilib naman kung may nakapansin pa nun kahit na kumakaripas na ako ng takbo. (oo nga pala. malapit lang yung mall sa bahay namin kaya pwedeng takbuhin.)

hindi ko mapaliwanag at hindi ko alam kung bakit yun nangyari pero ok na rin yun. mas mabuti nang masaya kaysa malungkot. sana nga (mas) sumaya na ang buhay ko at ang buhay ng lahat ng tao sa mundong ibabaw.

Saturday, August 18, 2007

Happy 2 Weeks

sa araw na ito, 2 weeks na ang blog na ito. kapag lumampas ako sa 2 weeks, ito na ang magiging pinakamatagumpay na online account ko. di kasi lumalampas ng 2 linggo ang iba kong online account(friendster, multiply, etc) kaya pag nagpost ako bukas, ito na nga ang pinakamagtatagal na account ko. haha. sana nga magtuloy na to. nanatiling "secret blog" to at ngayong araw ko lng sinabi sa mga tao ang address ng blog na ito.

una kong sinabihan ang isa kong kaklase. nakipagpustahan ako sa kanya dati na hindi nya mahahanap ang blog na ito. at tama ako. pero kahit na hindi nya nahanap, hindi ko naman kinuha ung prize--kapag nagpupustahan kami, ang prize lagi ay crinkle. may utang akong apat na crinkle sa kanya at dahil hindi nya nahanap ang aking blog, dapat 3 nlng. pero dahil mabait ako, apat pa rin binayad ko sa kanya. haha.

at ngayon, nakalagay na rin sa status ko sa ym ang address ng blog na to. sa lahat ng magbabasa nito, wag kayong mahihiyang maglagay ng comment. (ako naman ang magdedesiyon kung mapopost ang comment nyo o hindi kaya ok lng)

--Change Topic
kanina, bumili na naman ako ng dvd--fushigi yuugi. luma na ito pero nakakita ako kanina at binili ko. hindi ko rin naman kasi napanood lahat. sa katanuyan, iilang episodes lng ang napanood ko at limot ko pa ang mga pangyayari sa iilang episodes na yun. detective conan sana bibilhin ko kaya lng season 4 lng ung nandun. naghanap pa ako sa ibang tindahan pero wala talaga, kaya ang ending ito nlng binili ko.

Friday, August 17, 2007

sa wakas natuto rin ako

sa last post ko, nalagay ko dun ang tungkol sa video ng sakura kiss--opening song ng Ouran High. nasabi ko rin na nakatutuwa yung video. at kani-kanina lng natuto na rin ako kung pano maglagay ng video sa isang post. oo, ngayon lng ako natuto. pasensya na.



ito na yung video. sana matawa at matuwa na rin kayo.

Thursday, August 16, 2007

Free Day

mula pa wednesday, suspended na classes. parang one week vacation dahil hindi ako papasok hanggang monday. tuesday ko ulit makikita ang paaralan ko. pero dahil na rin sa ulan, kumokonti ang mga pwede kong gawin.



kaya kahapon, buong araw na naman akong nanonood ng dvd. series ulit pero tapos ko na kanina. nakatutuwa naman panoorin. ngayon, wala na naman akong magawa. gusto ko sanang lumabas at bumili ng mga bagong dvd, pero umuulan. sana tumigil na ang ulan (tingin ko malapit nang mangyari to) himihina na rin lng naman.

naalala ko lang kanina ang Ouran High.

mula pa naman bata lahat ng tao nanonood na ng japanese shows/anime. pero marami pa ring anime ang di pa nakikilala ng maraming tao dito sa Pilipinas. isa sa mga ito ay ang Ouran

High School Host Club. sinabihan lang ako ng isang kaklase ko na subukan kong panoorin ang ouran high. at mukha namang nakakaaliw. nasa youtube nga pala ung mga episodes kung gusto niyo ring manood. at nasa youtube din ung music video ng sakura kiss--opening song. at para sa akin, isa na to sa pinakanakakaaliw na music video. (yung picture sa left ay picture ng ouran high.) hindi ko pa tapos hanggang ngayon pero gusto kong tapusin. sana nga lang magkaroon na ako ng oras para mapanood at matapos 'to. parang comedy rin kasi--nakakatawa.


Monday, August 13, 2007

At Diyan Nagtatapos

hindi ako nakapag post dito nang matagal. ito ay sa kadahilanang tinapos ko ung scrubs. naubos ang oras ko sa scrubs. pero ok lng dahil natapos ko ung 5 season in one week. congrats sa akin. sa mga oras na to, may ibang tao nang nakikinabang sa dvd ko(pinahiram ko kc).

sa kabilang dako ng akin buhay.
kanina, nag long test kami sa religion. dati, basta moral, mabait, mabuting kristyano ka, ok na. pero ung test kanina, naiiba. hindi ko naiintindihan ung lesson namin sa math ngayon(malamang, di ako nakikinig e) pero bago lumabas ng classroom, nakita ko ung mga nakasulat sa board, complicated. pero since hindi naman ako nakikinig, hindi ako makasisiguro.

ngayong buwan, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. sana naman matuto tayong huwag ikahiya ang ating wika. hindi niyo ba naisip na napakaganda ng ating wika. kaya nating lumikha ng mga bagong salita sa iba't ibang paraan.

Thursday, August 9, 2007

Mission Accomplished

kahapon, sinulat ko sa blog na plano kong tapusin ang season 2 ng scrubs. at nagtagumpay ako! haha! at dahil wala na namang pasok ngaun, plano kong tapusin ang season 3 ng scrubs ngayong araw. at mukhang matutupad n naman un. nagsimula ako ng 8. at sa oras na to, 2 episodes nlng at matatapos na. pero may mga disadvantages din ang 2 whole straight days na pagharap sa tv/computer. kahapon at ngayon, kung wala ako sa tapat ng tv, nakaharap ako sa computer. at dahil dito, parang sumasakit na mga mata ko. pero ok pa rin naman ako.

pero, ito ang unang beses na hihingin kong magkapasok na bukas dahil may importante akong kailangang gawin. kailangan nang matapos ng bagay na un ngayong linggo. kaya kahit na ang wirdo na naggagaling sa akin, gus2 kong may pasok bukas. at isuspend nlng nila ng mga 10. nakakapanibago, hindi ko ianakala na dadating ang araw na gugustuhin kong pumasok.

Tuesday, August 7, 2007

No Classes Today

dahil walang pasok ngaun, maglalagay nlng ako ng bagong post.

nakahanda na ako nung binalita na suspended classes. ang tagal kc ng announcement eh. tinagalan ko na nga ung pagbangon para hindi na ako maghandang pumasok, pero nag-announce pa rin cla nang late. naka uniform na ko at magsasapatos na dapat. pero buti nlng di pa ko nakakaalis. pero kung may pasok man ngaun, ok lng. may kailangan din kasi akong gawin. importante!!!

tinapos ko muna ung isang season ng scrubs bago ako naginternet. at balak kong tapusin ung season 2 ngaung araw din(kung posible man un).

wala pa masyadong detalye kasi wala pang nangyayaring kakaiba sa araw ko ngaun.

Mga Pangyayari sa Aking Buhay

nung sunday bumili ako ng dvd na Scrubs dahil may nagsabi sa akin na nakakatawa daw un. kaya pag uwi ko, pinanood ko at sa unang araw pa lng, naka 14 epidsodes ako. around 20 mins lng naman ang isang episode eh, kaya mukhang nagbabad ako sa tv kahit na hindi(pero nagbabad na nga ata ang tawag dun). kaya lng next day, ang daming kelangang gawin kaya 2 episodes lng napanood ko. at ngaun l8 na ako nakauwi kaya mukhang wala akong mapapanood ngayong araw. kaya bukas nlng.

sa buhay school......walang bago. uso pa rin ang bagsakan sa mga test(di na ata magbabago un). pero uso pa rin naman ang pumasa kaya balanced pa rin. malapit pa exams namin pero tinatamad pa ko mag-aral.

nalaman ko rin plng aalis na ung isa kong kaklase papuntang states, pero babalik pa naman daw sya agad. tatapusin nya pa ung 4th year.

gus2 ko bumili ng jacket pero wala akong makita na na ksya sa akin. haha. dumadami ata ang mga maliliit sa mundo. puro large nlng kasi natitira. un nga ung rason kung bakit ako umalis ng bahay nung sunday eh, pero sa scrubs napunta ung pera ko.

un lng ata ang kailangan nyong malaman. kaya hanggang dito nlng muna.

Saturday, August 4, 2007

YES!!!

"It is not length of life, but depth of life." by Ralph Waldo Emerson.

"My formula for living is quite simple. I get up in the morning and I go to bed at night. In between, I occupy myself as best I can." by Cary Grant.

Life is short; and some lives are shorter. But some people, even though they die young, leave a huge impact in the lives of other people. They serve as inspirations. They serve as role models for the youth.

One day I'll look back and I'll ask myself if I have done something special, something extraordinary. I'll ask myself if I have lived life to the fullest. Am I satisfied? I hope the answers to all the questions will be a YES!!

First Day High

Ito ang aking unang araw sa blog na ito.

Kung tama ako, ang blog ay ginawa para maipahayag natin ang ating mga saloobin.

Ngayon ay August 4, 2007. Araw ng UPCAT!(Goodluck sa lahat ng nag-take)
Buong May ako nagreview para sa College Entrance Tests! pero, nahirapan pa rin ako sa UPCAT. Lalo na 'yung Science Part(at maraming sasang-ayon!!!) Pero sa lahat ng UPCAT TAKERS, isipin nalang natin na ginawa na natin lahat at ibinigay na natin ang lahat ng ating makakaya!