Thursday, August 30, 2007

Paalam

kanina, umalis na ang isa kong kaklase--si pao. pupunta na siya sa US at doon na maninirahan. pero babalik naman daw siya muna dito sa Pilipinas para tapusin ang 4th year. (pero kahapon, sinabi niya na hindi na siya babalik, kaya hindi ako sigurado kung ano ang totoo)

kanina pa pagpasok ko, nakakita ako ng isang "pao"--may drawing na mukha na may nakasulat na "pao". nakapolo rin na kakulay ng uniform namin. may "pao's jug" na isang cardboard na pinaikot at kinulayan ng violet. at may handle rin. haha.

4 comments:

Anonymous said...

Talagang kailangan ng isang Pao ang classroom. Saya kasi kasama, We will miss you Pao.

Anonymous said...

meron naman talagang isang Pao na natira sa classroom eh.. (hindi cardboard) pero mas masaya dati nung dalawa. si pao. i'm already missing him.

Anonymous said...

pangalawang pao.. ISA KANG POSER NA PAO! Hinding hindi mo sya matatapatan ever!

Anonymous said...

i wanna be pao