sa wakas natalo ko na ung record. sa mga hindi nakakaintindi, ang record na sinasabi ko ay kung gaano katagal mananatiling active ang isang online account sa akin. ang dating record ay 2 weeks. at dahil nagpost ako ngayon, ito na ang bagong record holder--2 weeks and one day na ang blog na ito. haha. one day lang ang lamang. pero wala pa naman akong balak na huminto sa pagpopost at paggamit ng blog na ito. sana nga tumagal na to. gusto ko rin magkaroon ng online account na magtatagal.
--------------------------------------------
isang pangyayaring nakapagtataka
kanina, habang pauwi ako galing sa mall, may isang bagay na nangyari. bigla akong nangiti. hindi naman masama ang ngumiti pero wala naman akong nakitang kung anuman na makapagpapangiti sa akin. naglalakad lang ako at bigla nalang akong ngumiti. ang masakit pa, hindi ko mapigilan. kahit anong gawin ko, ayaw mawala nung ngiti. nagmumukha na akong baliw-- dahil mag-isa lang ako habang naglalakad nang nakangiti.marami pa naman akong nakakasalubong na mga tao. at dahil hindi ko mapigilan, nakaisip ako ng isang ideya--isang paraan para hindi ako magmukhang sira ulo. nilabas ko yung cell phone ko para kunwari yun yung dahilan kung bakit ako nakangiti. haha, mautak!! sa kalagitnaan ng pag-uwi ko, may naisip na naman ako. at yun ay tumakbo pauwi. siguro hindi na nakita ng mga tao kung nakangiti man ako o hindi dahil tumatakbo na ako. nakabibilib naman kung may nakapansin pa nun kahit na kumakaripas na ako ng takbo. (oo nga pala. malapit lang yung mall sa bahay namin kaya pwedeng takbuhin.)
hindi ko mapaliwanag at hindi ko alam kung bakit yun nangyari pero ok na rin yun. mas mabuti nang masaya kaysa malungkot. sana nga (mas) sumaya na ang buhay ko at ang buhay ng lahat ng tao sa mundong ibabaw.
Sunday, August 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
At anong masama sa pagmumukhang isang masayang baliw? Parang ininsulto mo na rin ako, at yung mga kagaya ko. Laging masaya kahit sa anong pangyayari. Hahahaha
Post a Comment