Saturday, August 18, 2007

Happy 2 Weeks

sa araw na ito, 2 weeks na ang blog na ito. kapag lumampas ako sa 2 weeks, ito na ang magiging pinakamatagumpay na online account ko. di kasi lumalampas ng 2 linggo ang iba kong online account(friendster, multiply, etc) kaya pag nagpost ako bukas, ito na nga ang pinakamagtatagal na account ko. haha. sana nga magtuloy na to. nanatiling "secret blog" to at ngayong araw ko lng sinabi sa mga tao ang address ng blog na ito.

una kong sinabihan ang isa kong kaklase. nakipagpustahan ako sa kanya dati na hindi nya mahahanap ang blog na ito. at tama ako. pero kahit na hindi nya nahanap, hindi ko naman kinuha ung prize--kapag nagpupustahan kami, ang prize lagi ay crinkle. may utang akong apat na crinkle sa kanya at dahil hindi nya nahanap ang aking blog, dapat 3 nlng. pero dahil mabait ako, apat pa rin binayad ko sa kanya. haha.

at ngayon, nakalagay na rin sa status ko sa ym ang address ng blog na to. sa lahat ng magbabasa nito, wag kayong mahihiyang maglagay ng comment. (ako naman ang magdedesiyon kung mapopost ang comment nyo o hindi kaya ok lng)

--Change Topic
kanina, bumili na naman ako ng dvd--fushigi yuugi. luma na ito pero nakakita ako kanina at binili ko. hindi ko rin naman kasi napanood lahat. sa katanuyan, iilang episodes lng ang napanood ko at limot ko pa ang mga pangyayari sa iilang episodes na yun. detective conan sana bibilhin ko kaya lng season 4 lng ung nandun. naghanap pa ako sa ibang tindahan pero wala talaga, kaya ang ending ito nlng binili ko.

4 comments:

Anonymous said...

Masgusto ko yung Detective Conan. Dati pinapanood ko yun sa GMA 4:30 yata. Napansin ko lang ngayon na madrama yung Fushigi Yugi, pero maganda pa rin.

Anonymous said...

...wow... secret blog pala? :)) baka gusto mong baguhin yung entry na 'to...

Anonymous said...

scratch that... nakalagay palang 'di na talaga sikreto 'to... (syempre nagcomment agad ako bago ko binasa nang kumpleto diba...)

Anonymous said...

sa lahat ng bibilhin, talagang yung luma't gasgas na yung binili mo eh, no. (aba, simbolismo! hahahaha joke) sana yung binili mo na lang, yung 'di gasgas... uhh... (walang maisip na hindi gasgas, kasi yung mga binebentang anime DVD dito sa pinas, REQUIREMENT ang pagiging gasgas, literally and figuratively)

wag ka na lang bumili ng dvd! hahaha. download is the way! maraming anime sa internet na magaganda, at hindi sikat. try mo yung... Rozen Maiden. (o diba, hindi sikat)